Anonymous
- mychemworldstoryph
- Aug 14, 2017
- 4 min read
Hindi ko pa rin malilimutan nung nakita kong umiiyak si mama at ang bunso kong kapatid ko noon dahil wala kaming pambayad sa enrollment niya at dahil doon, delayed siya ng 1 year sa college. Sobrang sakit sa pakiramdam nung makita ko yun. Sabi ko sa sarili ko, Hindi na 'ko papayag maulit yung nangyari. Yung walang-wala kami. Kailangan may gawin na 'ko para mas makatulong ako sa pamilya ko kahit pa ako'y isang empleyado na sa isang call center company. Na-realized ko na hindi pala sapat yung kinikita ko.
Doon na pumasok yung idea na dapat ko na talagang pasukin ang pag nenegosyo kahit alam kong walang kasiguraduhan kung magtatagumpay 'to. Sa kagustuhan kong kumita ng extra, nagresearch muna ko sa Google tungkol sa perfume business. Yun kaagad ang naisip ko dahil mahilig talaga ko sa pabango at hindi madaling masira kung maraming ma-iistock. Nakita ko yung website ng Chemworld, tinignan at binasa yung mga andoon. After 1 week, nagpasya ako na umattend ng seminar sa Makati.
Hindi ako kumuha ng starter kit dahil gusto kong i-apply yung mga natutunan ko sa seminar nila. Yung ako mismo ang magtitimpla at para mas malaki ang ROI. Nakakatuwa rin at nagbigay sila sa seminar ng template for ROI na ready to use. Nagpatulong ako sa kapatid ko para gumawa ng simpleng label para sa perfumes. Simple yet classy. Nagsimula rin ako sa 4 na scents. Nagdala ako ng tester sa office at pina-try ko sa officemates ko tapos nagustuhan nila, hanggang sa umikot ang tester ko sa office at nadagdagan pa ng ibang scents. Karamihan ay sa akin na kumukuha ng perfume.
Nag enjoy talaga ko sa pagtitimpla ng pabango. Nakakagawa pa ko ng cologne for daily use. After 3 months, nagpatuloy ako sa pagbebenta at pagtitimpla ng perfume hanggang sa napagod ako at naisip na,"bakit parang paikot-ikot lang ang ginagawa ko? Tuwing kikita ako, ibibili ko lang rin ulit ng raw materials at bottles." Pero hindi ako sumuko dahil marami namang tao ang naging successful at nagtiyaga lang rin sila. Kaya sabi ko, magagawa ko 'rin yun. Nagkaroon ako ng pagkakataon ibenta ang perfumes ko sa bazaar.
Tinawagan ako ng dati kong boss at inalok kung gusto kong ilagay yung perfumes ko sa bazaar sa office nila. Syempre, gusto ko. So after ng shift ko sa pinapasukan ko, bitbit ang backpack ko na puno ng perfumes, sinubukan kong ialok ‘to sa mga empleyado. Nakakatuwa dahil worth it ang pagpupuyat kasi kumita ako. Nakagawa na rin ako ng wedding souvenirs simula ng tumawag yung friend ng kapatid ko para gawan sila ng wedding invitation kaya doon ako nakakita ulit ng opportunity na ialok yung perfumes ko para naman sa wedding souvenirs nila. Natuwa yung couples at kumuha ng marami pang giveaways.
Nagkaroon rin ako ng resellers at natuto akong humarap sa iba’t ibang klase ng tao. Natuto rin akong mag-ship ng mga perfumes Nationwide even International dahil yung tita ko ay sinubukan rin magresell ng mga perfumes na gawa ko sa mga kababayan niyang Pinoy abroad. Natuto akong mag-ipon at mag-budget simula ng mag negosyo ako sa tulong at pagtitiwala ko sa Chemworld. Umabot ng 60 yung scents ng pabango ko, dumami dahil karamihan request ng customers na itimpla ko yun.
Dumating ang Pasko, Sinubukan ko gawan ng gimik ang pagbebenta ng perfume para maipakilala pa ‘to sa iba at naisip ko mas mataas siguro ang demand lalo na't maganda 'to for giveaways. Gusto kong makilala na ang mga perfumes ko ay dapat afford ng masa. Mura pero mataas ang quality ng materials na ginamit. Gamit ang Facebook at Instagram, nagpa-promo rin ako at di ko rin inasahan na mauubos agad yung stocks ng perfumes ko. Perfumes na rin yung ginagamit ko pang giveaway sa mga kamag-anak ko at mga kaibigan tuwing may okasyon meron na syang personal touch at nakakatipid pa ako.
Nakakatuwa rin kasi madalas magbigay ng discount sa members yung Chemworld. Eto yung perfect opportunity na lagi kong inaabangan para makabili ako ng mas marami at mas kikita pa ako.
Itong taon, nagkaroon ulit ako ng chance magbenta ng marami dahil yung kumpanya na pinagtatrabahuhan ko ay nagbukas ng isang 'Pay Day Bazaar' para sa mga empleyado na gustong kumita rin ng extra once a month for 2 days. Ika-limang buwan ko na ‘to at masaya akong maibabahagi 'to sa lahat na kumikita ako at nakakapag ipon ako para mapalago pa 'to. Masaya rin yung mga bumibili kasi sakanila mismo galing yung feedback na mura na, mabango pa at very long lasting yung mga binibili nila kaya karamihan sa office, sakin na kumukuha ng orders at laging inaabangan yung booth namin.
Salamat Chemworld, dahil sa inyo nakakapagbenta ako ng perfumes na high quality. Hindi basta-basta. Never ako napahiya sa mga taong nagtitiwala sa products/perfume ko.. Dahil sa inyo, marami akong natutunan. Natuto akong magsikap at maging matiyaga para mapalago ito. Naging financially independent rin ako at nabigyan ko 'rin ng pagkakataon magkaroon ng part time negosyo ang mama ko. Ginamit ko ang ibang naipon ko galing sa perfume business para ipuhunan pa sa iba negosyo tulad ng paggawa ng homemade gourmet tuyo na ipinangalan ko sa mama ko. Nakakatuwang makita na yung mga pinaghirapan ko dati ay lumalago na ngayon. Nagagamit ko na siya bilang puhunan sa pagsisimula pa ng iba pang negosyo. Kasalukuyan na 'ring graduate ang aking bunsong kapatid. Sana ma-inspire ko rin yung mga nakakabasa ng success story ko. Walang imposible sa taong matiyaga, determinado at higit sa lahat, mahal mo yung ginagawa mo.
Salamat Chemword! Dahil sa inyo, hindi na ako takot harapin ang kinabukasan ko.




Comments