top of page
  • Facebook Social Icon
  • Instagram Social Icon

Bago po ako magsimula gusto ko po munang magpasalamat sa pamunuan ng Chemworld Fragrance factory sa pagbibigay ng daan na maging kaisa nyo ako sa negosyong ito. Ako po ay isang simpleng may bahay lamang na ang gawain ay maglinis, magluto, maglaba at mag alaga ng dalawa kong anak. Ang asawa ko po ay isang seaman pero sa di inaasahan pangyayari ay nagkasakit sya habang nasa barko. Dalawang buwan pa lang syang nakakasakay ng barko non kaya ng umuwi sya halos walang gaanong dalang pera. Dahil sa sakit nya di na sya pwedeng sumakay uli kaya nag isip kami kung anong pwedeng pagkakitaan dito sa bansa natin. Minsan napagawi kaming mag asawa sa Centris Mall sa Quezon Avenue nakita namin ang nakapaskel sa may labas ng tindahan ng Chemworld na nag aanyaya sa mga gustong matuto kung paano gumawa ng pabango. Agad po akong nag inquire at umattend ng seminar. Natuwa po ako kasi libre ang seminar at sa halagang apat na libo at limang daang piso ay may mga produkto na akong dala pauwi ng bahay.

 

Wala po kaming sinayang na sandali, pagdating namin ng bahay ay agad kaming gumawa ng nasabing pabango. Nagpost ako sa facebook at nag alok sa mga kaibigan. Nang marami na ang kumukuha sa akin para magbenta kinakailangan ko laging mag abang ng "buy one take one", kaya lahat halos ng branch ng Chemworld ay nadoon ako. Nang mag open ang Chemworld sa SM Sangangdaan at Sm Megamall isa kami sa mga naroroon. Natutuwa ako pag nakikita ko ang sarili ko sa mga post na picture ng Chemworld. At lalo akong natuwa ng malaman ko na may malapit na branch sa lugar namin dito sa Taguig ang Chemworld BGC.

   

Sa ngayon masasabi kong napakalaki ng naitulong nito sa aming pamumuhay at higit na nakakatuwa nakatulong din ako sa aking mga kaibigan at kamag anak kung paano kumita. Nakararating ang produktong ito sa mga kamag anak ko sa Quezon province, Cavite, at sa Japan. Talaga pong masasabi kong nag level up na tayo.

 

Muli po ang pasasalamat ko sa inyong lahat. God bless and more power.

      © 2017 Chemworld Fragrance Factory. All Rights Reserved.

bottom of page