top of page
  • Facebook Social Icon
  • Instagram Social Icon

Ako po ay isang barista/cook sa isang cafe and resto. May anim na anak kaya halos na pwedeng sideline ginagawa ko para lang magkaroon ng extra income pandagdag gastos sa araw araw. One time may nag-rent sa seminar room ng cafe and resto na pinagttrabahuan ko.isang perfume company na ang name ay le amore. Kinumbinsi kami mag member sa le amore which is isa ring siyang networking, eh di naman ako magaling sa networking at di ako interesado sa mga networking. So sabi magbenta nalang ako ng perfume para may extra income. Tinray kong magbenta which is mabenta naman.

 

Sinabiko sa sarili ko pano kaya gawin tong perfume nato, nag-dadasasal ako sa Diyos anong pwede kong ibusiness na sarili ko talaga na kayang kaya kong iprovide ang puhunan. Lumipas ang ilang linggo bigla kong naisipan mag punta ng marquee mall dito sa angeles city para mag-check ako sa pag ibig kung pwede naba akong magloan. Pero malas sarado ang pag ibig sa marque mall. Kaya ginawa ko nag libot libot ako sa loob ng marque at bigla ko ngang napansin ang chemworld factory. Cguro dun talaga ako dinala ng Diyos, kasi sa kakalakad ko doon ako bigla dinala ng mga paa ko. So yun nga nakita binasa ko yung tarpulin nila na curious ako. Nahihiya pako magtanong sa mga staff noon. So nilakasan ko loob ko mag inquire.at inexplain nila sa akin.na ako mismo ang mag mimix ng perfume.na excite ako, kasi tagal ko nang pinapangarap na matutu pano gumawa ng perfume. So inexplain nila sa akin yung mga starter kit at ineschedule nila ako for seminar.

 

So na excite ako sabi ko cge next week mag seminar ako. Kinuha nila contact no. ko ng mga staff. Cguro para ifallow up ako, at yun nga gingawa nila lagi nila pinapaalala schedule ng seminar ko. The time na dumating ang schedule ng seminar nag dahilan ako sabi ko nxt week nalang kasi busy pa ako. Pero ang dahilan wala pa akong pera para sa starter kit, so sabi ng katxt ko cge sir. Next week schedule ulit namin ikaw, sabi ko ok po salamat. Dumating nanaman yung time ng seminar haha nagdahilan ulit ako sabi ko pasency na sir nasa manila ako, pero totoo noon wala pako pera kaya nawawalan nako ng pag asa., pero pasalamat ako sa staff ng chemworld marquee mall di sila nagsasawang mag fallow up sa akin para sa seminar. Sabi ko Lord san ako kukuha ng 3500 kung para sa akin tong business nato ibigay mo naman sa akin. Gods answer prayer may nag offer sa asawa ko na parang lending but mababa lang ang interest. Kaya sabi ko grab na natin to, sa madaling salita nag hiram kami sa lending company nayun para lang maupinsahan ko ang perfume business.

 

Ayun na aprove naman yung aplication namin para sa lending, at dali dali kong tinext yung staff sa chemworld na sabi sir sure na po july 5,2017 attend nako seminar at nagreply nga sila. Cge sir sabi nya, wait namin kayo sa madaling salita nag attend ako at na explain sa akin lahat about sa chemworld pano iikot ang businesa at nag avail ako ng starter kit A yung 3500. Pagkatapos ng seminar ginawa nila lahat ng kailangan ko, so umuwi nako kasi excited ako gumawa. Salamat talaga sa chemworld factory sa marquee mall napaka bait ng mga staff lalo na yung manager nila. The best talaga kayo, sana diko magbabago sa mga client nyo, at yun gumawa nako ng perfume,nag mix nako.

 

Sa 3500 bali nagawa ko ay 20pcs. Tag 30ml. Binenta ko ng 200php nasurprise ako wala pang 1week mula ng nagseminar ako ubos kagad yung 20pcs. At may pending order pako kaya ginawa bumili ako ulit ng oil at nag dagadag ng isang scent at ang na produce ko ay 10pcs at ubos ulit yun promised.then bumili ulit ako ng oil at nag dagdag ulit ako ng scent.sa kasalukuyan may 6scents nako nagawa.thank you talaga sa chemworld factory marquee mall. Hulog kayo ng langit para sa akin, napalaking tuling ang nagawa nyo sa akin ta lalo sa sa pamilya. The best ang product nyo, di ako napapahiya sa mga client ko, kasi sobrang bango talaga.. keep up the good works. God bless chemworld factory marquee mall.

      © 2017 Chemworld Fragrance Factory. All Rights Reserved.

bottom of page